Friday, November 2, 2007

Blog ang Mundo

Si Byron Bocar ang unang nagsabi nito nang ngkwento akong nagsimula na akong mag-blog. "Blog ang mundo mo." OK rin ang pa-cute nyang banggit sa advertisement ng Ginebra. Pero ang blog ko ay sa Ingles http://edicio.wordpress.com. Sori, di pa ako marunong gumawa ng links.

Mahaba-haba ang bakasyon, kaya naisip kong magsimula ng bagong blog, pero sa Pilipino. Medyo nagagamay ko nang mag-blog nang regular sa Ingles. Pero gusto ko ring mahasa sa pagsusulat sa Pilipino. Saka baka may mga kaibigan akong mas gustong sa sariling wika natin makipagpalitan ng kuro-kuro at balita.

Ayon sa PinoyBlogger, mga 75,000 raw ang mga blog ng Pinoy. Sa buong mundo, ang kalkulasyon ay 100 milyon humigit-kumulang ang nagba-blog. Kaya naman may isang aktibistang hindi bilib sa mga akitibstang gustong palaganapin ang paggamit ng blog. Masyadong limitado raw, at mas elitista.

Tama siya, sa ngayon. Pero palagay ko lalawak ang daigdig ng blog kahit sa mga Pinoy. Totoong malayo ang agwat natin sa South Korea na 20 milyon ang blogger; at di tulad ng celfone, na mas madaling bilhin, kailangan sa blog ang computer at internet connection ma mas mahal. Pero tiyak na rarami at rarami ang Pinoy na matututong mag-blog, laluna ang bagong henerasyon.

Minsan tinanong ako ni Girlie (kabiyak ko) kung bakit ako nagba-blog. Sabi ko, guto ko lang masanay na magsulat nang regular, at mag-post ng mga naiisip ko. Kung may magbasa at makitang may katuturan ang aking naisulat, dagdag na dahilan. At malay natin, baka may mga makatagpong kausap na isip at damdamin.

Sige, hanggang dito muna.

1 comment:

BURAOT said...

Fr.Ed, tama po si Byron, isa na itong medium para maka-tagos sa bagong larangan na dinadaluyan ng mararaming indibidwal di lang pinoy. isang bagong estilo ng pamamahayag ang sumibol, citizen journalism ika nga. me naispatan akong isang blog, ke mongster, na me nagsabi sa kanya, ang blogging eh pang peti b at elitista, at sa halip daw na makahatak ka pa ng ideya, eh ikaw ang mahahatak nito.

di ba't andito tayo para mulatin ang bayan? kaya lahat ng channel dapat subukan. i think it's a question of kung hanggang saan tayo dadalhin ng prinsipyo at kung hanggang saan mo ito kayang dalhin.